Nabuhay ulit ako! Haha! Ewan ko ba pasulpot-sulpot lang ako dito :)
Anyways habang ako ay nandito sa office at nagpapakamatay na naman mag-work naisip ko pala, aba isang taon na pala ang nakalipas. Well mahigit isang taon na since ako ay isang Sisa pa nun dahil sa pagkawala ng boyfriend. Natatawa na lang ako dahil ganon pala talaga effect sa isang tao pag nawalan ng boyfriend noh? Kahit gaano ka katalino (UP graduate na ko nyan, kasalukuyang kumukuha ngayon ng MBA sa DLSU) at feeling mo na ginagamit mo ang utak mo, hindi rin. Magmumukha ka pa rin tanga. Yung feeling ko na para akong pinagkaitan ni Lord ng kasiyahan sa mundo at para akong pinagkaisahan ng sangkatauhan dahil sa nangyari. Natatawa na lang ako ngayon dahil ganitong panahon nung isang taon ang mga nasa utak ko ay - ano nangyari? ano ginawa kong mali? may kulang ba ko? pangit ba ko? Hello, shempre walang nasagot dyan kahit isa!
Totoo talaga, ang pinakamabisang gamot sa heartbreak - panahon lang. Walang isang formula o gamot para dito - eh di sana kung meron inubos ko na pera ko sa pagbili nun! Pinabayaan ko lang lumipas ang panahon. Wala eh as if may iba pa ko choice! Para lang tong running eh... kalaban mo lang dito ay sarili mo. Gusto mo bang makarating sa finish line kahit alam mong pagod ka na? Gusto mo bang patalo sa mga kasabay mong medyo may katabaan kumpara sa yo? (ay ba't napunta dun, pero nakuha nyo point ko diba?!) Nasa isip lang ang lahat - willpower ba. Ginamit ko lang utak ko - namili ako kung pababayaan ko ba na forever ko na lang isipin kung ano ang nangyari at bakit nangyari ang mga nangyari or mag-umpisa ako muli. Shempre taga-UP ako, matalino ako, dun ako sa mag-umpisa muli. At shempre, ang laking tulong ng pamilya at mga kaibigan. Kung wala sila, ewan sa kangkungan na ko pinulot ngayon. At ang walang kamatayan dasal. Powerful ever talaga sya, wala akong masabi, andyan lang Sya parati sa tabi ko. :)
Kaya heto ako, after a year. Masaya, maganda (yanaman!), fabulous, maaliwalas ang tingin sa buhay. May peklat pa rin, pero di na sya sugat. Enjoy ako sa buhay ko ngayon, wala na ko pimples (salamat Dra Huang kahit naubos pera ko!), enjoy ako sa MBA, kasali pa ko sa varsity nila ng badminton (shala noh?), nag-aaral mag scuba dive, nag-aalaga ng rottweiler. At oo, natutulog pa naman ako.
Madami nagtatanong, gusto ko pa ba ng closure? Ewan ko lang ha, para sa akin, di na kelangan. Nangyari na ang mga nangyari. Anong closure eklat pa dyan ang kelangan ko? Wala na kong dapat kausapin, at wala na rin akong dapat pang malaman. Sayang rin daw pagkakaibigan namin. Siguro nga, pero sa akin, hanggang dun na lang kami. Tapos na siguro ang buhay namin na magkakakonektado. Madami akong natutunan sa kanila. Di ko na i-enumerate dito dahil baka kung ano pa masabi ko ahihihi. Basta, hanggang dun na lang kami.
Bakit ko sinulat 'to? Wala lang, nafeel ko lang na heto ang tamang panahon na maungkat ulit 'to. Kung nung isang taon pa ko nagsulat, aba baka kung ano pa nasabi ko at baka na-censor na ko dito! I experienced my first ever heartbreak. And I won :)

4 Comments:
From being a whiner to coming out as a winner...o di vah? San ka pa? :) Basta, swim lang ng swim hanggang mahuli mo ang isda. Ay, san galing yun? Scuba diver ka na kasi e. :p Anyway, basta nandito lang ako for you, as in super. Lagi. Like, yeah. And yes, we're not naman conio ha? :) Go on and be fabulous!
7:37 AM
yeba, tama yan.. fabulous ka! maganda ka at badminton varsity! sana sa next lifetime ko ganyan ako ;)
happy for u dre :)
7:56 PM
happy for you hehe :) and go go go sa diving...although ok rin ang badminton...kahit SINO este ano piliin mo ok lang ;-) haha.
4:23 PM
Vane ako ba yoong matabang tinutukoy mo? Affected!?! Vane very happy kami for you! Dalaga ka na talaga!
See you soon!
11:22 AM
Post a Comment
<< Home