"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." - Eleanor Roosevelt

Friday, May 26, 2006

Meron pala akong blog, shempre after 4 yrs ko ulit nabuklat, the best!
Shempre nakita ko 'tong isa sa mga ginawa ko nung time na batong bato ako sa Atlanta
Para 'to sa barkada ko nung college. Sana magustuhan nyo kahit di nyo sila kilala :)

Ang Aking Barkada
Nakilala nyo na ba

Ang aking barkada
Kung di pa, heto sila
Sana'y maaliw kayo sa kanila

Nariyan si Jaica, Angelique sa iba
Mestizang taga-Cubao ang ganda
Nakakalokang mukha meron sya
Kaya't lahat naman ay napapalingon sa kanya

Si Beng naman na Dilag ng Bulacan
Pang beauty queen ang ganda!
Ngunit nandun ngayon sa Saipan
Nagiipon ng kayamanan!

Si Pamelang taga-Valenzuela
Small but terrible ang turing sa kanya
Ang tagahatid balita sa barkada
Kahit na minsa'y umiiral ang pagka-b (bingi) nya

Isa pang small but terrible
Ang Anak ng Pasig na si Rosario
Na kasalukuyang nagpapakadakila
Sa Malcolm Hall ng Diliman

Kasama rin nyang nag-aaral
Ay si Hayleng sa Pangasinan nagmula
At kahit na may pamilya na
Ay super sexy pa rin ang lola!

Ang kahanga-hangang si Elenita Paloma
Sa Bayan ng Pasig din nagmula
Working student nung nag-aaral pa
Ang sipag talaga ng lola!

Si EveDiocs na sa QC nagmula
Babyface pa rin ang itsura!
Kilabot din nung nag-aaral pa
Kaya't kay swerte ni KR sa kanya =)

Isa pang laking QC, si Meme aka Jolina
Ang writer ng aming barkada
Ngayo'y busy sa pag-aayos ng kasal nya
With her besprend Marvin! este Mah-jo pala

Nandyan si Dani na taga Cainta
Isang dakilang propesora sa alma mater nya
Napakaswerteng bata
Kung saan saang lugar napapadala!(Kaya lang nasan na ang papa?)

Si Laillie naman, ang Pampangena
Pang commercial mowdel ang buhok na nya!
Nagpapakayaman din sa lugar nila
Malapit ka na bang mag-asawa?

Ang Jukebox queen naman na si Chat
Laking Maynila ang beauty nya
Dati'y maton ng barkada
Ngayo'y napaka-girl na nya!

Yan ang aking barkada
Magagandang Isko ng Bayan
Pagkakaibigang nabuo
Sa kampus ng Diliman

Bago nga pala magtapos
Ang tula kong ito
Di ko pa pala napapakilala
Ang sarili ko

Ako naman ang taga Taytay na si Vanene
Heto't nagpapakaloka sa kaiisip
Ng mga ilalagay sa aking gawang tula
Na alay ko para sa aking barkada =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home