Sa grupong PNS-AS Watson (kung ano man tawag sa inyo hehe), super salamat! Heto nagawa ko habang nasa plane ako pauwi :)
Pumunta akong Hongkong
sa kagustuhang magpunta ng Disney at makilala si Mickey
Ngunit di natuloy ang aking mga pinlano
Sa kadahilanang napakadaming tao!
Pero kahit ganito ang naging kapalaran ko
Napakasaya pa rin ng pagpunta ko dito
Bakit kamo? Dahil sa mga taong
Nakasama ko dito sa isla ng Hongkong
Si Paul "the Jumbo" na akala mo'y taga doon
Ang nag-pasimuno ng pagbili ng peanut butter waffle
Hanep mang-alaska, wala talagang sinasanto!
Pwera lang kay labiduds Nancy, ang reyna ng kanyang mundo (nakanaman!!!)
Si Tofil "Poker Face" ang #1 bluffer ng grupo
Biruin mong Retek expert na, pusoy expert pa!
At wag ka, mag-iingat ka sa kanya
Dahil pag may katwiran sya, ipaglalaban talaga nya!
Si KG ang nene ng taga-Hongkong
Na ndi matanggap na bading si Winnie the Pooh
Bakit KG, type mo ba si lolo Pooh?
Di bale, madami pa dyan, maniwala ka lang sa anting-anting nating bato bato
Si Gabby, the macho dancer - nakumbinsi na sanang magpunta sa Disney
Basta't may kapalit, kay Tofil at KG nyo itanong kung ano yon
Pero sa kasamaang palad di natuloy ang plano
Kaya ang pera, napunta na lang sa giordano brief nyang 6 for 100, o kay sosyal na nya!!!
At ang binulabog ko ng husto, si Ces na nagpasimuno ng "poker ni Ces"
Buti friend pa rin nya ko kahit inaagawan ko sya ng kumot habang humihilik ako
Di talaga namin sya nakumbinsing sumama sa Disney
Dahil ang Disneyland pala nya ay nandyan lang sa Tsim Tsa Tsu-weeeeeeee! (tama ba spelling? hehe)
Yan ang storya ko sa pagpunta ng HK
Masayang karanasan ang natama ko doon
Pero ika nga nila all good things must come to an end
Kaya kayo dyan, back to reality at magtrabaho na! Tama na ang pagbabasa :)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home