"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." - Eleanor Roosevelt

Thursday, June 01, 2006

Walang tataas ang kilay sa post ko na 'to...

Heto yung isang tula na ginawa ko, sayang naman kundi ko share sa inyo diba hehe. Although medyo you know, chugi na ang beauty ko sa ex ko dahil dinrop akong parang isang hot potato, post ko pa rin 'to. In fairness nakagawa ako ng isang tula na dahil sa kanya (eeeeewww ok fine whatever). I-enjoy nyo na lang 'to, kung maeenjoy nyo nga hahahaha!

pauwi ako kagabi galing akong opisina sa GT
kasabay ko ulit si lolo, may ginawa kasi kaya ginabi
pagbukas ko ng kotse laking gulat ko ng
may makita ako red roses, oo at tatlo pa sya!

na-tense ang lola mo, baket may roses dito!
shempre di naman ako slow, taga-UP ata ako!
napasigaw ako kay lolo "hoy stretch!!! bumalik ka dito!"
pero nahiya ata, dire-direcho sa kotse nya!

ang nasambit ko na lang ulit "thank you ha"
with pa-demure effect pa yan mga lola
sinigawan lang ako ng loko ng "ingat ka pauwi"
sabay ngiti at sakay sa kotse nya

pero di pa dun nagtatapos ang kwento
pag-andar ko ng sasakyan, aba bumukas agad ang radyo!
wats dat! ako ba ay minumulto?
ang alam ko pinatay ko 'to kaninang alas otso!

shempre pa, may cd palang nakasaksak
kanta ni barbie's cradle, title ay "Limang Dipang Tao"
peyborit ko kasi nung narinig kong kinanta nila
sa isa naming paglabas ni lolo, o diba nakakatuwa!

di ko napigilan, tinawagan ko sya
ayun natatawa nung sinagot ang cellphone nya
sabi ko "kaw talaga! sus ko nagulat ako!!!"
pero pa-demure ulit at sabay sabi ko "thanks ulit po"

ayun ang kwento ko, sana'y nagustuhan nyo
donchaworry, nakatulog naman ako
yun nga lang dapat gumagawa ako ngayon ng assignment
pero ano ba ito, iba ginagawa ko!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home